(Speech delivered by Sonia Roco during the LP Senate slate Forum/Launch in Philippine Normal University, January 27, 2009)
Magandang araw sa lahat ng mag-aaral, guro at administrasyon ng Philippine Normal University. Marahay na aga! Maayong buntag sa tanan!
Ako po si Sonia Roco, ang kabiyak at biyuda ni dating Senador at Secretary ng Department of Education na si Raul Roco. Hinahangad ko pong ipagpatuloy ang kanyang sinimulang misyon at pamana ng kaalaman sa ating bayan.
Maraming taon na ang nakalipas nang kinuwento sa akin ni Sister Aurora na maraming hinihimatay dito sa PNU dahil sa sila ay gutom. Walang almusal at walang pambili ng pagkain. Kinuwento ko ito kay Raul at doon niya sinumulan ang food scholarships dito sa PNU.
Sadyang nakakapanlulumo ang realidad ng kagutuman sa ating bansa. Ang masaklap pa ay ito ay nagaganap ‘di lamang sa Philippine Normal University kundi sa buong Pilipinas – from Aparri to Jolo. Ang mas masaklap pa nito ay nangyari ito mahigit sa isang dekada na ngunit nangyayari pa rin ngayon - hirap at gutom pa rin ang ating bayan.
Sa bagong survey ng SWS noong December, we reached the threshold and all-time high na hunger incidence at 24%. Isa sa bawat apat na pilipino ay laging gutom. Kung pinangangalandakan ni GMA ang kanyang mga bogus na statistics sa mga dyaryo, tinatanong ko siya ngayon: kung gutom tayo noon, bakit mas gutom tayo ngayon?
Alam nating lahat na hindi lamang gutom sa pagkain ang taumbayan ngayon, gutom din sa kaalaman, salat sa karunungan. Edukasyon ang naging advocacy ni Raul Roco at nais natin itong ipagpatuloy. Sinimulan nya dito sa PNU ang pagbibigay ng food scholarships o ang tinatawag na Roco Meals.
Hangad po nating palawigin ang Study Now, Pay Later Law na inakda ni dating Senador at bayaning si Ninoy Aquino. Tumulong sa pag-ukit ng batas na ito si Raul Roco nang siya’y legislative staff pa lamang ni Ninoy. At ngayon, patuloy natin itong palalawigin upang hindi na kailangang magbenta o magsanla ng kalabaw or ari-arian para makapasok sa pag-aaral.
Malinis ang pangalang iniwan ng aking asawang si Raul Roco. Tunay syang may malasakit sa mga mag-aaral at mga guro. Hangad naming dalawa na makakita na bawat bata ay nag-aaral, walang batang no read no write! Bawat pamilya ay may gradweyt. Bawat bahay may hanapbuhay. Patuloy nating popondohan ang edukasyon – ang sagot at gamut sa kahirapan!
Bilang pagtatapos, nais kong bigyang pagpupugay ang mga magagaling nating mag-aaral at mga future educators at teachers sa PNU! Huwag po tayong gumaya sa isang gurong nakaupo ngayon ng halos isang dekada na sa Malakanyang. Maling ehemplo siya sa taumbayan, lalo na sa mga kabataan. Ang pagnanakaw ay hindi tama. ‘Wag natin syang tularan. Ang pandaraya ay hindi tama. ‘Wag natin syang tularan. Ang pagsisinungaling ay hindi tama. ‘Wag natin siyang tularan. Hindi ito sadyang mababawi ng isang “I am sorry!”
Ako po ang inyong Inang Guro, Sonia Roco. Tayong lahat po kailangang ipagpatuloy ang mga pamana at pinaglaban nila Ninoy, Cory at yumao kong asawang si Raul Roco. Kailangan ni Noynoy Aquino at Mar Roxas ang isang Senadong susuporta sa kanilang mga reporma. Kailangan nila ng kasangga sa senadong puede ring magsabing “Hindi Kami Magnanakaw!”. Salamat sa inyong lahat at SLAMAT LORRRD!
Sonia Roco for Senator Movement Headquarters
2nd and 3rd Floors, 32 F, Katipunan Road, Brgy. Loyola Heights, Quezon City (Beside Bo’s Coffee)
Tel No. (63) 2 986-4466 Email Address: aksyonkabataan@gmail.com
Secretariat (Lian Halili): 0917-5160728 Liaison (Bobbit Roco): 0917-8191432
For media interviews with Sonia Roco, contact: 0918-9059999
Submit Comment
Follow us on: