Sa kasalukuyan, malaki ang binabayarang buwis ng mga manggagawang pilipino. Subalit tila wala gaanong nakikitang pag-unlad. Maari bang magkaron ng "transparency" kung saan napupunta ang mga ito? Maaari ba ito i-publish online? Maraming manggagawang Pilipino ang masama ang loob sa pagbabayad ng buwis dahil tila hindi nakararating sa karamihan ang benepisyo. May plano ba kayo na i-restructure ang tax system ng Pilipinas? Posted on 22/06 8:46 PM

Francis Escudero

Bago tignan ang anumang pag-restructure sa ating tax system, kailangan muna nating singilin ng maayos ang mga buwis na nakasaad sa batas. Sa Bureau of Internal Revenue bawat taon ay mahigit kumulang 200 bilyong piso ang hindi nakukulekta, nawawala o napupunta sa bulsa; at higit kumulang 100 bilyon mula sa Bureau of Customs. Dalawang ahensiya pa lang yan, pero 300 bilyon na kaagad iyon. Marami pa sanang mga proyekto ang mapupuntahan at maraming mahihirap ang makakaramdam ng kaunlaran gamit ang perang ito. Until and unless government is able to prove and explain that to the people, I do not agree that government is even in the position to raise taxes.

 

Posisyon ko noon pa na dapat ipakita at patunayan muna ng gobyerno – government must first prove that it is collecting taxes efficiently before it can justify an increase in any taxes.

 

Karapatan din ng mamamayan na malaman kung saan napupunta ang perang binabayad nila sa buwis. At tama ang suhestiyon mo, isang magandang paraan ang Internet para isapubliko ang mga datos na magpapakita ng kasalukuyang budget at pinagkakagastusan ng gobyerno, alokasyon na napupunta sa mga proyekto at mga departmento ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, makikita ng mamamayan kung saan napunta ang kanyang pera at bukas ito for public scrutiny.

 

Isang paraan din para gawing mas transparent ang mga transaksyon na pinapasok ng gobyerno, dapat payagan ang mga kinatawan ng mga non-government organizations o citizen groups na masubaybayan ang mga bidding procedures sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

 

Kapag may proyekto, katulad ng paggawa o pag-ayos ng mga kalsada, dapat mayroong mga information boards na nagpapakita ng mga detalye tungkol sa nasabing proyekto. Isaad kung magkano ang budget at ano ang saklaw ng proyekto. Sa ganitong paraan, makikita ito ng mga mamamayan at mabibigyan sila ng pagkakataong punahin o ikumpara ito sa ibang mga proyekto.

 

Maganda ring pag-aralan ang probabilidad na tayo mismong nagbayad ng income tax ay pwedeng pumili kung saan natin ito gustong gastusin o ibigay—sa edukasyon ba, health services, infrastructure at iba pang mahahalagang paglaanan ng pondo. Kasabay nito, pwede nating piliin kung saang probinsiya natin gustong ibigay ang maliit na porsiyento na iyon ng ating buwis.

 

Lalo na sa panahong dama natin ang epekto ng global financial crisis, dapat lang na tumutulong ang gobyerno para pagaanin ang pasanin ng mga mamamayan, lalo na ang mga mahihirap. Ito ang layon ng Republic Act 9504 or the Tax Relief Law na nagbibigay ng exemption sa minimum wage earners mula sa pagbayad ng income tax.

 

However, even if you plan and provide for all of these tax reforms, it will all be for naught if we do not have good governance – a stable and predictable policy environment where discretion is at a minimum; one where there is transparency and accountability for all acts of government and its officials; one where laws are enforced and enforced speedily.


show comments (0)



Follow us on:

Partners