Gilbert Teodoro
We have a pseudo-communist insurgency that has raged for the last four decades in the countryside, leading to loss of lives on both sides.
We have a Muslim separatist rebellion in parts of Mindanao. While we have a ceasefire agreement in place with the Moro Islamic Liberation Front as a precondition for formal peace talks, the negotiations have been at an impasse since the government rejected an agreement on ancestral domain.
We are eager to sit down with the other side to restart the talks on a solid footing so that we can attain peace that has eluded Muslim Mindanao for so long.
show comments (0)
Francis Escudero
Dalawang dahilan ang nakikita ko kung bakit patuloy pa rin ang kaguluhan sa Mindanao – kawalan ng hustisya at kahirapan. Para magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga problemang ito.
Matagal nang pinangakuan ng kinakailangan nitong tulong ang Mindanao. Pero hanggang ngayon, napakaliit pa rin ng pondong umaabot sa rehiyong ito kumpara sa kontribusyon nito sa ating ekonomiya. Mindanao only gets P8.8 billion for infrastructure development and P16 billion for agriculture, yet the region contributes 17.7% to our GDP.
Nararapat lamang na itaas ang budget allocation para sa Mindanao at lalong pagtuunan ng pansin ang imprastruktura at agrikultura sa rehiyong ito.
Pangalawa, wala pang gulong naayos gamit ang mga baril. Dapat ipagpatuloy ang mas maayos at organisadong peace talks hindi lamang sa pagitan ng gobyerno at ng MILF kundi pati na rin ang mga lumad na apektado rin sa kung anuman ang magiging resulta ng mga pag-uusap na ito. Sa ganitong paraan mas madaling malaman ang kanilang mga pangangailangan at suliranin, at mas madaling gumawa ng mga programa para solusyunan ang mga ito.
Kung gusto nating tumupad sila sa mga kondisyon sa peace talks, dapat ang gobyerno mismo ay tumupad sa napagkasunduan. Ang isa pang nakikita ko sa gobyerno natin ngayon, pumapasok sila sa mga kasunduan na alam naman nilang hindi pwedeng ipatupad dahil hindi ito naaayon sa Konstitusyon, katulad na lamang ng MOA-AD o ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain. Imbes na maging daan ang mga kasunduan para sa kapayapaan, mas makapagpalala pa ito sa gulo.
Dapat ding tumulong ang AFP sa pagpapaunlad ng mga komunidad doon lalung-lalo na sa pagpapatayo ng mahahalagang imprastruktura gaya ng mga daan at tulay, at mas maigi kung nasa defensive mode lang sila habang isinasagawa ang peace talks.
Pero anumang kasunduan na papasukin ng ating gobyerno para wakasan ang kaguluhan sa Mindanao, dapat lamang na saklaw ng Konstitusyon at saklaw ng ating bandila ang kasunduang ito.
Follow us on: