Lay down your best plan for peace and reconciliation in Mindanao. Posted on 01/09 10:50 PM

Gilbert Teodoro

Kailangan pa rin dumami ang ating mga sundalo para masigurado na babalik ang kapayapaan. Ang Mindanao, ang dapat isipin natin, ano ba ang problema sa Mindanao? Hindi natin pwedeng i-solve ang root causes niyan kasi kahit sa Estados Unidos na napakayaman na bansa, napakadaming root causes na nagwawalay-walay sa mga sociedad. Ngunit ang pagkakaiba doon at dito, walang non-state na armadong grupo na nakikipag-barilan sa gobyerno o nakikipagbarilan sa isa't-isa na hindi natin masugpo. Dapat itigil natin ang armadong pakikibaka at may isang paraan lang yan--pag-eenganyo or pag-eenforce ng batas. Pagka may baril ang isang tao, isang tao lang sa isang baranggay, nagkakaibang equation dun sa loob ng baranggay. At ang proliferation ng firearms sa Mindanao ang pinakaproblema. So, ang pwede nating gawin matigil natin ang putukan at ang barilan pero hindi natin pwede namang isipin overnight magmamahalan ang mga tao dun dahil napakalalalim ng problema. Yung mga solusyon ng problema na yun, palagay ko wala naman sa atin ang may 100 percent na solusyon dyan. Ngunit ang magagawa natin, pwede nating i-channel ang galit magmula sa putukan sa debate, sa political struggle, political work. Ngayon kaalinsabay niyan, importante ang development. Talagang truism. Maglagay ka ng kalye sa isang lugar, fifty percent of the time, mababawasan ng insurgency.

Read more at http://gibo.ph/issue.aspx


show comments (0)



Follow us on:

Partners