Last visit was: It is currently Fri Sep 03, 2010 3:38 am


All times are UTC + 8 hours




Post new topic Reply to topic  [ 4 posts ] 
Author Message
 Post subject: Re: Government Projects marked as FINISH or DONE but NOT
PostPosted: Fri Dec 04, 2009 9:13 pm 

Joined: Fri Dec 04, 2009 9:03 pm
Posts: 1
Ang nakakainis pa diyan, mga mukha at pangalan nila ang nakalagay sa signage kung saan nakalagay ang mga detalye ng proyekto. Para bang utang na loob pa nating nagawa ang ating mga kalsada. Hindi naman nila pera ang pinang-gawa diyan kundi pera ng taong bayan.


Top
Offline Profile  
 
 Post subject: Re: Government Projects marked as FINISH or DONE but NOT
PostPosted: Thu Dec 03, 2009 11:15 pm 

Joined: Wed Dec 02, 2009 11:24 pm
Posts: 24
ewan ko nga ba kung bakit naaatim ng mga pulitikong yun na malagay ang mga pangalan nila ay halata namang masyado patama yung mga proyekto taz di pa ganun katitibay taz lahat pa ng kalat iniiwan na lang basta basta.. :|


Top
Offline Profile  
 
 Post subject: Re: Government Projects marked as FINISH or DONE but NOT
PostPosted: Thu Dec 03, 2009 1:40 pm 

Joined: Thu Nov 19, 2009 12:53 am
Posts: 176
Totoo yan sa maraming lugar sa Pilipinas...kaya maraming umuunlad, mga bagong bahay ni Mr. Huthot, bagong kotse ni Mr. Commissioner, lumaking bank account ni Mr. Crocodile, pondo sa eleksyon ni Mr. Cman, etc. etc... pero ung dinadaanan na mga kalsada ng mga karaniwang mamamayan, manggagawa at negoyante, huhu, laking pahirap, nagtatanong saan napunta ung binabayad nilang buwis...kailangan ng matalinong at may politikal will na presidente, matapang at makulit para mag audit ng pagamit ng pondo at hindi natatkot na magpakulong ng tao...sa private sector me tinatawag na quantitiy surveyor/auditor/project manager para sa mga construction...kailangan ang susunod n presidente ay magtatag o mag activate ng grupong tututok para dito...si Bro Eddie, isa sa mga ngipin nya ito...Go for him wise voter... ;)


Top
Offline Profile  
 
 Post subject: Government Projects marked as FINISH or DONE but NOT
PostPosted: Thu Dec 03, 2009 4:10 am 

Joined: Thu Dec 03, 2009 3:48 am
Posts: 2
3 years ago, pumunta ako sa bagong bahay ng aking pinsan. Nagreklamo ako sa kalsada nilang kung tawagin ay "abortion road" na. Nitong taon lang, bumisita ulit ako. Merong nang bahagi na sementado na ang kalsada, pero di na umabot sa bahay ng pinsan ko. Ang sabi ng asawa ng pinsan ko, kasi raw markado nang tapos hanggang sa may dulo, pero sa sobrang kurakot ng opisyal o nino man, ni kagitnaan ng proyekto, di na inabot.

Bakit kaya nakaka lampas ang ganitong sitwasyon?

Na-alala ko noong nag seminar ako sa Pag-ibig pag loan sana pagpapatayo ng bahay, ang daming requirements na dapat kong i-submit; gaya ng pictures ng BEFORE and AFTER ng bahay.

Ganyan din ba requirement kapag may proyekto ang gobyerno?


Top
Offline Profile  
 
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 4 posts ] 

All times are UTC + 8 hours



You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum

Search for:
cron