What is your stand on the DOH’s policy change regarding prevention of Influenza A(H1N1) outbreak in the country that says travelers may no longer observe home quarantine? Posted on 29/06 7:47 PM

Bong Revilla

Tanging ang DOH ang siyang nakakaalam ng sitwasyon ng epidemyang A(H1N1) sa bansa. Ang anumang rekomendasyon ng DOH ay tiyak na dumaan sa masusing pag-aaral ng kanilang mga eksperto at rekomendasyon na rin ng WHO. Kaya ako ay naniniwala na ang anumang hakbang na gagawin ng DOH ay naaayon sa pangangailangan ng pagkakataon. Sa kasalukyang pag-uulat na ipinalabas ng DOH ay sinasabing isang mild influenza na nga lang itong A(H1N1). Kahit sinasabing mild na nga lang ang strain ng influenza na ito ay patuloy pa rin itong nagdadala ng pagkabalisa sa publiko. Sa kabilang banda, dapat pa ring maingat ang mga tao. Prevention is better than cure ika nga, mas maganda na magbantay pa rin tayo, lalung-lalo na sa kadahilang hindi pa talaga napupuksa ng tuluyan angA(H1N1). Maidagdag pa natin na dapat ang bawat isa sa atin ay kelangang ugaliing maging malinis ang kapaligiran at pangangatawan palagi, may influenza man o wala, dahil mahirap magkasakit sapagkat maaapektuhan nito ang lahat ng mga produktibong gawain ng isang tao.


show comments (4)



Follow us on:

Partners