Bong Revilla
Mahirap sugpuin ang pagkakaroon ng communist insurgents sa isang bansa, lalo na kung ang mga ugat o dahilan kung bakit naging rebelde ang mga ito ay patuloy pa rin na nararamdaman. Dapat nating lalong bigyang pansin na malapatan ng kasagutan ang mga problemang naging ugat ng digmaang ito. Sa kabilang banda, tayo ay dapat magkaisang huhubog sa ating bansa para sa minamahal nating bayang Pilipinas. Dapat nating ipagpatuloy ang pagsugpo sa problema ng korupsyon, kawalan ng hustisya, at pang-aapi ng mga iilang may kapangyarihan. Kung mabibigyan natin ng tamang aksyon ang mga problemang aking nabanggit ay tiyak na magkakaroon ng pagbabago. Magkakaroon ng repormang ating hinahangad para sa bayan. Dapat din bigyan pansin ng pamahalaan na mabigyan ng tamang serbisyo ang bawat Pilipino, saang sulok man siya ng bansa, anu man ang kasarian niya, o ang relihiyon niya ay dapat silang magkaroon ng tamang pagkilala.
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng dayalogo sa mga grupong ito ay atin pa ring ipagpapatuloy at pagsisikapang makamit para mas lalong maging mahusay at produktibo ang bansang Pilipinas patungo sa pagkakasundo ng bawat partido. Sa ating bayan na kinagaggalawan, ang anumang problema na bumabalot sa ating lipunan ay mga naging reflection lang ng mga kaugalian at sentimiyentong meron tayo. Ako ay naniniwala, na tayong mga Pilipino ay gustong makita na ang Pilipinas ay hindi magulo, may maayos na pamahalaan, may mga maaayos na serbisyo at programang pampubliko. Tayo ay pare-parehong mga Pilipino, hindi natin kelangang makidigma laban sa kapwa Pilipino. Ating bigyan ng puwang na ang usapang mapayapa ay magdudulot ng isang masagana at maayos na pamumuno.
show comments (0)
Follow us on: