How do you intend to improve the literacy of our children in the public schools? Posted on 28/05 2:29 AM

Bayani Fernando

Ang basic education ang weakest link sa ating educational system. Repormahin natin ito. Kapag mahina ang basic education ay marupok din ang pagaaral ng estudyante. Ayon sa isang recent study ng National Statistics Coordination Board, kaunti ang 4th year and grade 6 students ang may 75% mastery benchmark in English, Filipino, Math and Science. Kinakailangan na baguhin ang curriculum para palakasin ang kaalaman ng estudyante sa English, Science at Mathematics. Lumalabas sa iba’t-ibang pananaliksik na ang batang Pilipino ay nahuhuli sa Asia at sa buong mundo pag dating sa mga nabanggit na subjects. Kasabay ng pagbago ng curriculum ay ang masmatinding training program at upgrading ng mga guro na nagtuturo ng mga subjects na ito. Dapat paramihin ng Department of Education ang dami ng teachers na ang major ay English, Science at Mathematics. Kinakailangan din na may sapat na aklat at ibang teaching materials para sa tatlong subjects na ito. Bukod sa mga computer laboratories dapat ay may science laboratories din ang bawat eskwelahan. Nararapat din na makapagpatayo ng masmadaming libraries para sa mga high school at elementary students. Maraming estudyante ang makagagamit ng libro mula sa library sa bawa’t taon na lumipas. Hindi naman kailangan na magpatayo and Department of Education ng library sa bawat eskwelahan. Maaaring magtatag ng library sa gitna ng isang kumpol ng eskwelahan sa mga probinsya. Sa mga urban areas naman maaaring ang local government na ang magpatayo ng library sa bawat baranggay. Meron silang sapat na resources para makapag-order ng mga libro at ibang mga reading materials at i-sustain ang operations ng library. Sa ganitong mga paunang hakbang at tutok ng sambayanan ay mai-aangat natin ang kalidad ng education sa bansa. Kailangan lang po natin gawin ang tama at nararapat kahit mahirap sa simula. Maraming salamat po. Sa political will, titino po tayo.
show comments (20)



Follow us on:

Partners