January 20, 2010, 09:07 AM

Korupsyon, No. 1 problem ng bansa, ani LP Senatorial bet Alex "Pinoy" Lacson

Ito ang sinabi ni LP senatorial candidate Alex "Pinoy" Lacson, pagkatapos na nilagdaan ng 12 Senators ang Senate Committee Report tungkol sa C-5 Road Extension Project, kung saan sinasabi ng Report na mahigit kumulang P6.22 Billion ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa maneubra ni Sen Manny Villar. Ayon sa nasabing Senate Committee Report, P141 Million ang napunta kay Villar dahil lang sa pag over price sa right-of-way sa mga subdivisions na pag-aari ng mga kompanya ni Villar.

Ani Lacson, “ang katiwalian at kurapsyon ay ang pinakamalaking kanser na unti-inting pumapatay sa ating bansa. Ang mga magnanakaw at tiwaling lider ng bansa ang numero unong kalaban ng Pilipino ngayon”.

Dagdag pa ni Alex Lacson - “Nakapanglulumong isipin na taon taon, nababalitaan na lang natin na na umaabot na sa apat napung porsyento (40%) ng ating national budget sa gobyerno ay ninanakaw lamang ng mga korap na lideres.”

Dagdag pa ni Lacson: “Nalulungkot ako na makakita na ang mga naturingang “halal ng bayan” ay naupo sa pwesto upang palaguin ang kanyang negosyo at hindi serbisyo publiko.”

“Dapat nating labanan ang Katiwalian at kurapsyon. Dapat nating labanan ang mga masasamang gawain sa goyerno.”

Si Alex Lacson ay may akda ng librong “12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country”. Naimbitahan siyang tumakbo sa pagka senador sa tiket ng Liberal Party nina Noynoy Aquino at Mar Roxas nitong May 2010.

Sa lahat na 58 senatorial candidates, nag No. 15 si Alex Lacson sa pinakahuling Pulse Asia Survey na ginawa nuong December 8-10, 2009.

Pero No. 1 si Lacson sa lahat na mga bagong mukha at pangalan na tumatakbo sa pulitika. Si Lacson ay naging sa isang non-political family.

breaking news Hide

Follow us on:

Partners